Nanawagan si San Jose del Monte City Rep. Rida Robes para sa agarang pagsasabatas ng panukalang Anti-Road Rage Act.
Ito’y kasunod ng pagkasawi ng isang family driver sa EDSA-Ayala tunnel dahil lang sa away trapiko.
Ayon kay Robes, panahon nang patawan ng parusa ang mga motorista masasangkot sa agresibo at bayolenteng behavior sa kalasda.
Kasalukuyang nakabinbin pa sa House Committee on Transportation ang panukala kung saan ipinapanukala na patawan ng hanggang anim na taong pagkakakulong ang mga masasangkot sa road rage at pagmultahin ng hindi bababa sa P250,000.
Bukod pa ito sa suspensyon ng lisensya ng driver ng hanggang limang taon.
“Road rage incidents that result in serious injuries or even death of a person will likely be prevented if motorists are aware that a hostile act of cursing, use of foul language or even moderate screaming can land them in jail,” giit ni Robes.
Kasabay nito, nagpaabot din ng pakikiramay si Robes sa pamilya ng biktima na is Aniceto Mateo.
“I grieve with the family of Aniceto Mateo who met his untimely passing while trying to earn a decent living for his loved ones despite the fact that he has reached his senior years. His death was just utterly senseless,” sabi ni Robes.| ulat ni Kathleen Forbes