Anti-Road Rage Ordinance, inihain sa QC Council

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang ordinansa na layong pigilan ang mga insidente ng road rage ang inihain ngayon sa Quezon City Council.

Isinusulong ito ni 5th District Councilor Aiko Melendez kasunod ng nangyaring insidente sa Makati kamakailan kung saan nauwi sa pamamaril ang gitgitan sa kalsada.

Sa itinutulak na ordinansa ni Coun. Melendez, partikular na binigyang diin ang pangangailangan na ang mga driver na may lisensyadong baril ay dapat na maging responsableng gun owner nang hindi ito magamit sa dahas.

Sa panukala rin ng konsehal, nais nitong mas maging strikto sa renewal at pagbibigay ng lisensya ng baril.

Sa oras na maipasa ang ordinansa, pagmumultahin ng P25,000 ang sinumang lalabag rito sa 1st offense pa lamang.

Nakaangkla naman aniya ang panukalang ordinansa sa HB 1511 na ia-adopt oras na maisabatas na.

Kumpiyansa naman si Coun. Melendez, na susuportahan ng konseho ang panukala para na rin sa kaligtasan ng mga motorista at pedestrian sa lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us