Pinaplano ngayon ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) na gamitin ang Artificial Intelligence (AI) para pabilisin ang pagpoproseso ng kanilang Health Insurance claims.
Ayon sa PHILHEALTH, isinasaayos lamang ang mga panuntunan alinsunod sa mga patakaran ng ahensya kung saan, inaasahang ipoproseso ng itatayong AI-powered system ang mga claim real-time.
Kasama sa mga inaasahang resulta ay ang pag-alis sa manual intervention at mabilisang pag-apruba gayundin ang pagbabayad ng mga itinuturing nilang “clean claims” sa kanilang partner facilities.
Kamakailan lang, lumagda ng kasunduan ang PHILEALTH at ang Pulse 63HV Philippines para sa “proof of value” sa paggamit ng isang software na gumagamit ng AI technology.
Dahil dito, inaasahang mababawasan na rin ang oras sa pagpoproseso ng mga claim gayundin ang mga claim na ibinabalik ng PHILHEALTH sa mga health facility dahil sa iba’t ibang dahilan. | ulat ni Jaymark Dagala