ASEAN countries, kailangang manindigan laban sa agresibong hakbang ng China sa mga inaangking teritoryo nito sa karagatan — Philippine Navy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dapat manindigan na rin ang iba pang mga bansang kasapi ng ASEAN laban sa mapangahas at agresibong hakbang ng China sa mga inaangkin nitong teritoryo sa karagatan.

Ito’y matapos mamataan ang tinaguriang “MONSTER SHIP” ng China Coast Guard (CCG) na umaali-aligid sa Exclusive Economic Zone (EEZ) hindi lamang ng Pilipinas kundi maging ng iba pang bansa gaya ng Vietnam at Malaysia.

Sa panayam kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, kung hindi ito gagawin ng iba pang mga bansa sa ASEAN, maaaring matulad sila sa sinapit ng Pilipinas na itinataboy ng China sa sarili nitong teritoryo.

Una nang tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patuloy ang ginagawang pagbabantay nito sa mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea.

Kasabay din nito ang panawagan sa iba pang mga bansa lalo na sa China na igalang ang International Law at iwasan ang anumang makapagpapataas ng tensyon sa nasabing karagatan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us