Ayuda para sa mga buntis at lactating moms sa ilalim ng 4Ps, pinatitiyak na mabibigyan ng pondo sa 2025 National Budget

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala si House Minority Leader at 4Ps Party-list Representative Marcelino Libanan na mas bababa na ang bilang ng mga nagbubuntis at sanggol na mamamatay dahil na rin sa pagpapalawig ng ayuda ng 4Ps sa mga buntis at nagpapasuso na ina.

Ayon kay Libanan malayo ang mararating ng dagdag na tulong na ito sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga ina at kanilang mga anak.

Tinukoy nito na kada araw, anim hanggang pitong nanay na pawang mula sa mahihirap na pamilya ang nasasawi dahil sa komplikasyon sa pagbubuntis habang 14 naman sa kada 1,000 live births ang namamatay dahil sa premature birth complication, congenital anomalies, at impeksyon.

Kasabay nito pinatitiyak ni Libanan sa Department of Budget and Management (DBM) na isama ang dagdag na cash grant sa 2025 National Budget.

Paraan din kasi aniya ito upang makamit ng Pilipinas ang 2030 Global Social Development Goals ng United Nations (UN) na maibaba ang global maternal mortality rate na mas mababa sa 70 kada 100,000 live births pati ang newborn mortality rate na mas mababa sa 12 kada 1,000 live birth.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us