Bagong Kadiwa center, nagbukas sa San Jose del Monte, Bulacan

Facebook
Twitter
LinkedIn

May access na rin sa mas murang mga bilihin ang mga residente ng San Jose Del Monte, Bulacan sa pagbubukas ng kauna-unahang KADIWA Center-compliant sa City College, Barangay Minuyan Proper.

Proyekto ito ng Department of Agriculture (DA) sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng San Jose Del Monte, Bulacan.

Pinangunahan ni San Jose Del Monte, Bulacan Lone District Representative Florida Robes, San Jose del Monte City Mayor Arturo Robes ang ribbon-cutting ceremony at blessing ng retail sales area kasama sina Assistant Secretary for Consumer Affairs and KADIWA Program Head Atty. Genevieve Velicaria-Guevarra, at Director of Agribusiness and Marketing Assistance Service Junibert De Sagun.

“Ang programang ito ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan, sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan, upang matiyak na ang bawat magsasakang Pilipino ay may direktang pagkakataon na maibenta ang kanilang mga produkto sa mga mamimili. Layunin ng KADIWA Center na ipaabot sa ating mga mamamayan ang mga mura at abot-kayang mga produkto, at magkaroon ng mas accessible at mas convenient na one-stop center ng mga pangunahing bilihin,” pahayag ni Asec. Guevarra.

Bilang KADIWA Center-compliant, ang KADIWA Center sa SJDM ay kumpleto sa assorted highland at lowland vegetables, bigas, itlog, asukal, spices, root crops, prutas, fishery products, meat and poultry products, canned goods, mantika, condiments, at instant noodles.

Tiniyak naman ng DA ang pagtatayo ng iba pang KADIWA Centers sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ngayong taon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us