Mabilis na humupa ang tubig baha sa Boni Avenue corner F. Ortigas Street sa Mandaluyong City sa kasagsagan ng lakas ng ulan kaninang hapon.
Ito ay dahil sa pumping station na pinangangasiwaan ng MMDA Flood Control and Sewerage Management Office.
Agad na binomba ng mga kawani ng MMDA ang tubig baha at na-discharge sa Buhangin Creek.
Nauna rito ay sinabi n ng ahensya na isinasagawa at ina-upgrade ang mga pumping station sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila upang matugunan ang matagal ng problema sa baha.
Patuloy ang paalala ng MMDA sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbabara sa mga creek, estero, at iba pang daluyan ng tubig na nagdudulot ng mga pagbaha.| ulat ni Diane Lear