Simula sa June 26 hanggang July 31, 2024, isasara sa mga motorista ang bahagi ng Candaba Viaduct Northbound at Southbound lanes ng North Luzon Expressway.
Sa abiso ng NLEX Corporation ,bibigyang daan nito ang Candaba 3rd Viaduct construction works.
Partikular na maapektuhan ng construction works ang 200 meter portion ng lane 1 mula Km 46+900 hanggang Km 47+900 ng Northbound at Southbound.
Gayundin ang Km 52+235 hanggang Km52+435 ng lane 1 na may haba ding 200 meters sa parehong Northbound at Southbound ng NLEX.
Pagtiyak pa ng pamunuan ng NLEX na magbubukas naman ng zipper lane kung kinakailangan sa apektadong lugar.
Magtatalaga din ito ng mga mamamahala sa trapiko,
patrol crews at marshalls gayundin mga directional signs sa strategic areas para hindi malito ang mga motorista. | ulat ni Rey Ferrer