Abiso sa mga motorista.
Pinaghahanda ng Department of Transportation (DOTr) ang publiko sa mabigat na daloy ng mga sasakyan sa pagitan ng Congressional Avenue at Tandang Sora Avenue.
Batay sa abiso, ito ay dahil isasara ang outer lane ng Mindanao Avenue Southbound simula sa June 29 upang bigyang daan ang konstruksyon ng Tandang Sora Station ng Metro Manila Subway Project.
Ayon sa DOTr, maaari naman gamitin ng mga light vehicle ang bagong gawang diversion road upang maibsan ang mabigat na trapiko sa Mindanao Avenue.
Humihingi ng paumanhin ang DOTr sa abala na maaaring idulot ng proyekto.
Pinapayuhan din ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.| ulat ni Diane Lear