Ipinag-utos na ng Department of Agriculture (DA) ang ban sa pag-angkat ng domestic and wild birds mula Australia.
Ito’y matapos makumpirma ang outbreak ng H7N3 at H7N9, mga subtype ng highly pathogenic avian influenza virus.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kabilang din sa ipinagbawal na iangkat ang poultry meat, day-old chicks, mga itlog at semen.
Sinuspinde na ng DA ang issuance ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearances ng Bureau of Animal Industry (BAI).
Nilinaw pa ni Laurel na lahat ng shipments mula sa Australia na nasa transit na bago ang kautusan ay tatanggapin pa sa kondisyon na kinatay ang mga produkto bago ang Mayo 9 2024.| ulat ni Rey Ferrer