Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga biyahero sa ipinatutupad na eTravel Customs System sa lahat ng international airports sa bansa.
Minamandato ng eTravel Customs System ang lahat ng arriving and departing travelers na mag fill-out ng electronic Customs Baggage Declaration Form (e-CBDF) at electronic Currencies Declaration Form (e-CDF) gamit ang eTravel website at https://etravel.gov.ph/ o ang pag download ng eGovPH application sa loob ng 72 hours [three (3) days] bago ang kanilang arrival at departure sa Pilipinas.
Paalala din ng BSP sa general public ang mahigpit na pagpapatupad ng cross-border transfer of currencies alinsunod sa Section 4 ng Manual of Regulations on Foreign Exchange Transactions (FX Manual).
Kabilang sa patakaran ang pagdedeklara ng pagpasok o paglabas sa bansa ng higit sa USD10,000 o katumbas ng iba pang currencies gamit ang e-CDF.
Hinikayat ng Sentral Bank ang lahat ng mga biyahero na sumunod sa mga kinakailangang requirements para sa mas maayos na international travel clearance.| ulat ni Melany V. Reyes