Malaki ang posibilidad ng pagdaloy pa ng lahar mula sa bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), base sa ulat ng PAGASA, may mga banta pa ng mga pag-ulan sa lalawigan dulot ng Southwest Monsoon at localized thunderstorms.
Maaaring magdulot ito ng paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa Negros Island na aabutin sa loob ng ilang buwan.
Ang mga pag-ulan na ito ay maaaring magdulot ng lahar flows mula sa dalisdis ng bulkan at dadaloy sa mga ilog sa Southern Kanlaon edifice.
Partikular na dito sa mga lugar na dinaanan na ng lahar flows sa nakalipas na tatlong araw.
Dahil dito,mahigpit na nirerekomenda ng PHIVOLCS ang ibayong pag iingat ng publiko na nakatira sa tabi ng mga ilog sa Southern Kanlaon.
Pinapayuhan din ang local government units na gumawa ng pre-emptive response measures kapag nararanasan na ang malalakas na ulan. | ulat ni Rey Ferrer