Bawas taripa sa bigas, posibleng makaapekto sa lokal na produksyon — mga rice retailer sa Agora Public Market

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangangamba ang mga rice retailer sa Agora Public Market sa San Juan City na lalong hindi mabili ang mga locally produced na bigas na kanilang itinitinda.

Ito’y kasunod na rin ng inaprubahang bawas-taripa ng pamahalaan sa mga inaangkat na bigas ng bansa.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sinabi ng ilang rice retailer na bagaman pabor sa kanila ang bawas-taripa dahil sa magmumura ang imported na bigas, tiyak na matatalo naman dito ang mga paparating na lokal na bigas sa sandaling anihin na ito.

Kasalukuyang naglalaro sa ₱60 pataas ang presyo ng imported na bigas gaya ng Japanese, Thai, at Vietnam rice na maganda rin ang kalidad.

Habang nakapako naman sa ₱50 ang kada kilo ng well-milled rice at may mabibili rin na hanggang ₱43 kada kilo ng regular milled na bigas.

Pero sa ngayon, sinabi ng mga rice retailer na hindi pa nila ramdam ang epekto ng bawas-taripa at posibleng sa susunod na buwan pa nila ito maramdaman. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us