Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang bayan ng Tibiao sa lalawigan ng Antique bago mag-alas-6:00 ng umaga.
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang sentro ng lindol sa layong 18 kilometro sa Hilagang Kanluran ng Tibiao.
Tectonic ang pinagmulan nito at may lalim na isang kilometro.
Naramdaman ang intensity 5 sa bayan ng Tibiao, Culasi, at Babaza sa Antique
Intensity 3 naman sa Malinao, Aklan, intensity 2 sa Pandan, Antique at intensity 1 sa Ibajay, Aklan; Tapaz, Capiz: at San Jose de Buenavista, Antique.
Bagama’t sa bahagi ng karagatang ang epicenter ng lindol hindi naman ito nagdulot ng pagtaas ng tubig o tsunami.
Wala ring inaasahang pinsala at aftershock ang PHIVOLCS kasunod ng naramdamang lindol. | ulat ni Rey Ferrer