Bayanihan sa barangay ng MMDA, umarangkada sa Malabon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dinala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang programa nitong Bayanihan sa Barangay sa Brgy. Tañong sa lungsod ng Malabon.

Sa inisyatibang ito, inilalapit ng MMDA sa mga barangay ang serbisyong pangkomunidad.

Personal na tinutukan ni MMDA Acting Chair Atty. Romando Artes at Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang pag-arangkada ng proyekto sa Tañong Integrated School.

Nakatuon ito sa serye ng mga aktibidad kabilang ang paglilinis ng palengke sa Malabon Central Market, misting sa mga eskwelahan; declogging at paglilinis ng mga daluyan ng tubig, pagtatabas ng mga puno, clearing operations sa mga bangketa, paglalagay ng traffic signages, road clearing, at mayroon ding pagbabakuna ng anti-rabies.

Ayon kay MMDA Chair Artes, paraan ito ng MMDA para maramdaman ng publiko ang marami nilang programa na hindi lang nakatuon sa trapiko.

Dagdag pa nito, may ilulunsad ding bagong programa ang MMDA na Kalinisan at Kaayusan na magbibigay ng mga trak sa bawat siyudad para tumulong sa paglilinis ng komunidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us