‘BBB’ investment rating ng Pilipinas, muling kinumpirma sa pinakahuling Fitch Ratings

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ayon sa Fitch kinilala nito ang mga isinasagawang polisiya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) partikular pagdating sa inflation, kung saan kasalukuyang itinaas nito ang policy rate sa 6.5% mula Mayo 2022 para mapababa ang pagbilis ng inflation mula sa target nitong 2% hanggang 4%.

Welcome naman kay BSP Governor Eli Remolona, Jr. ang pagkilalang ito ng Fitch sa kanilang ginagawa para mapanatili ang inflation sa kanilang mga target at pagbibigay diin sa data-driven approach ng BSP sa pagtataya ng monetary policy.

Inaasahan namang lalago ng 5.8% ang GDP ng bansa sa 2024, na pinalakas ng mga pamumuhunan sa imprastruktura at reporma sa kalakalan.

Nauna nang naitala ang 5.7% na pagtaas sa GDP noong unang quarter ng 2024, na pinangunahan ng mga aktibidad gaya sa finance at wholesale and retail trade.

Inaasahan din na pagsapit ng 2025, magiging stable ang government debt sa 54% ng GDP ng bansa.

December 2017 pa simula nang makamit ng Pilipinas ang nasabing investment-grade rating na higit pa sa pamantayang minimum na investment grade na nagpapataas ng kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa bansa.

Samantala, ang ‘stable’ outlook naman ay nagsasabi ng mababang tiyansa na magbago ang rating ng bansa para sa susunod na isa o dalawang taon.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us