Pinayuhan ng Land Transportation Office (LTO) ang lahat ng motorista na ipagbigay-alam sa ahensya ang anumang bentahan o pagpalit ng pagmamayari ng sasakyan.
Layon nito na maiwasan ang pagkakasangkot sa anumang kaso ng serious traffic accidents o criminal activities.
Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II na ang pangalan na lalabas sa registration data ng motor vehicle ay palaging ipinapalagay na may-ari at driver nito.
Kaya’t anumang imbestigasyon at pananagutan ay naka-address sa kanya.
Sa kaso ng fatal road rage sa Makati City, kamakailan,
inisyuhan ng show cause order ang isang dayuhan na sinasabing driver ng Mercedes Benz.
Pangalan nito ang lumabas na rehistradong may-ari batay sa datos ng LTO pero naibenta na pala ito sa ibang tao at naaresto sa Pasig City.| ulat ni Rey Ferrer