Bicolano solon, pinasalamat si PBBM sa mga kontribusyon nito sa pag-asenso ng Bicol region

Facebook
Twitter
LinkedIn

Labis ang pasasalamat ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga inisyatiba at proyektong ikinasa nito para matulungan ang pag-unlad ng Bicol Reigon.

Kasunod ito ng pagbisita ni PBBM sa Bicol para sa pamamahagi ng ayuda sa mga magsasaka, mangingisda at pamilyang naapektuhan ng El Niño.

Sabi ni Co, ang Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks, and Families, ay malaking tulong para maisakatuparan ang Legacy on Food Security.

Dito nakatanggap ng tig P10,000 na tulong pinansyal ang mga benepisyaryo mula Albay, Sorsogon, Masbate at Catanduanes, maliban pa ito sa makinarya, abono, binhi, feed bankga at animal vaccine.

Kinilala din ni Co ang pangko ng Pangulo na pamagbuti ang kalusugan ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng Legacy Building na Bicol Regional Hospital and Medical Center.

Nagpasalamat din ang mambabatas sa pagsasa ayon ng power infrastructure ng Bicol upang mabawasan na ang brownout sa Bicol.

“Sa bawat sulok ng Bicol Region, ramdam po namin ang pagbuhos ng biyaya mula sa inyong administrasyon. Ang mga proyekto at programang ito’y nagpapataas ng kalidad ng buhay at nagbibigay din ng bagong pag-asa’t inspirasyon sa aming mga Bicolano. Makakaasa po kayo sa matibay at tuluy-tuloy na suporta ng House of Representatives sa inyong mga adhikain para sa bansa.” sabi ni Co.| ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us