‘Bigas 29’ na ilulunsad sa Hulyo, handang subukan ng mga mamimili sa Kadiwa Store

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa ang mga mamimili na subukan ang planong ibenta na mga paluma ngunit kalidad pa ring bigas ng National Food Authority (NFA) sa Kadiwa Store.

Kasunod ito ng pag-apruba ng NFA Council sa pagbebenta ng NFA rice buffer stock sa halagang ₱29 kada kilo sa tulong ng Kadiwa network para magkaroon ng mas murang opsyon sa bigas ang mga mahihirap na pamilya.

Ayon kay Nanay Salvacion, walang problema sa kanya ito basta’t mananatiling maganda pa rin ang kalidad ng bigas na gaya ng kanilang binibili ngayon sa ADC Kadiwa Store.

Umaasa lamang ito na hindi maamoy at walang bukbok ang mga bigas mula sa NFA nang patuloy itong tangkilikin ng mga mahihirap.

Ganito rin ang sinabi ni Nanay Jinky na umaasang maganda pa rin ang ibebentang bigas mula sa NFA lalo’t malaking bagay aniya para sa kanila ang nabibiling murang bigas sa Kadiwa.

Sa ilalim ng “Bigas 29,” target na mabenepisyuhan ang nasa 6.9 milyong households o 34 na mahihirap na Pilipino.

Bawat benepisyaryo rito ay maaaring makabili ng hanggang 10 kilo kada buwan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us