Mataas pa rin ang bilang ng mga inidbidwal na apektado ng El Niño Phenomenon sa bansa.
Batay sa huling tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 1.3 milyong pamilya o katumbas ng 5.2 milyong indibidwal ang apektado ng matinding tagtuyot.
Mula ito sa higit 6,000 barangays sa 14 na rehiyon sa bansa.
Kasunod nito, patuloy pa rin ang pagpapaabot ng tulong ng DSWD sa mga rehiyong apektado ng tagtuyot.
As of June 2, aabot na sa ₱487-milyong halaga ng humanitarian assistance ang naihatid nito.
Nananatili ring available ang higit ₱2.8-bilyong pondo ng ahensya para umagapay sakaling madagdagan ang apektado ng El Niño. | ulat ni Merry Ann Bastasa