Bilang ng mga indibidwal na apektado ng pag-alburoto ng Mt. Kanlaon, umabot na sa higit 2,000 — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadagdagan pa ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Batay sa huling tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 618 na pamilya o katumbas ng 2,259 indibidwal ang apektado ng pagputok ng bulkan.

Mula ito sa higit 20 barangays sa Western at Central Visayas.

Nasa 425 na pamilya rin o katumbas ng 1,435 na indibidwal ang pansamantalang nananatili sa evacuation centers.

Samantala, aabot naman na sa higit ₱300,000 ang inisyal na naipaabot na tulong ng DSWD sa mga apektadong lugar.

Matatandaang nagtungo mismo si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Negros Oriental para personal na pangasiwaan ang response efforts ng kagawaran kasunod ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us