Isang buwan matapos ang deadline ng ‘jeepney consolidation,’ sapat pa rin ang kapasidad ng mga pampublikong sasakyan para sa mga pasahero.
Ito ang inihayag ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista.
Ayon kay Secretary Bautista, nasa 80% ng mga operator at tsuper ay nakasama na sa mga kooperatiba o korporasyon bilang bahagi ng PUV Modernization Program (PUVMP).
Dagdag pa ng kalihim, mayroong mga ruta na kailangan pang bawasan ang bilang ng mga sasakyan dahil sa sobrang dami ng mga PUV na bumibiyahe sa iisang ruta.
Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga lokal na pamahalaan upang maisaayos ang mga ruta sa pamamagitan ng Local Public Transport Route Plan (LPTRP).
Layunin ng LPTRP na matiyak na magiging profitable at sustainable ang mga ruta upang makapag-invest ang mga operator sa mga modernong sasakyan.| ulat ni Diane Lear