Bilang ng mga POGO hub, mas lalo pang lumobo — PAOCC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinunyag ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na lumobo ang bilang ng mga iligal na POGO sa bansa.

Ayon kay PAOCC Director Gilbert Cruz, malaking bilang ng mga iligal na POGO sa bansa ang nasa Metro Manila at Luzon.

Pero kinumpirma rin ni Cruz na may na-monitor silang mga nag-ooperate na illegal POGO companies sa Visayas at Mindanao, na lahat ay hindi nag-renew ng kani-kanilang lisensya.

Lumalabas aniya sa datos ng PAGCOR, na 49 lang ang lisensyadong POGO sa bansa, na lehitimong nakapag-ooperate.

Isa sa nakikita nilang dahilan ng paglobo ng mga illegal POGO companies ang hindi na pagre-renew ng lisensya ng mga kumpanya.

Naniniwala si Cruz na batid ng mga POGO companies na hindi na sila bibigyan ng lisensya dahil sa mga paglabag at iligal na gawain gaya ng scam at pangto-torture.

Umapela ang opisyal sa gobyerno na repasuhin ang mga regulasyon para higpitan pa ang pag-iisyu ng lisensya sa mga POGO at dayuhang empleyado.

Samantala, kinumpirma rin ni Cruz na sumasailalim na sa forensic ang narekober na cellphone mula sa isang Chinese na naaresto noong Sabado sa compound ng iligal na POGO sa Porac, Pampanga.

Ayon kay Cruz, nadiskubre sa cellphone ang mga larawan ng ilang pinatay na hinihinalang biktima at aktwal na video ng mga tumakas na empleyado sa kasagsagan ng raid.

Sinasabing wanted sa China dahil sa iba’t ibang violent crimes ang naarestong si Wu Lifeng, na hinihinilang torturer sa illegal POGO hub. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us