Brgy execs na nangupit sa ayuda ng isang buntis na benepisyaryo ng AICS, nakasuhan na — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasampahan na ng kasong administratibo at kriminal ang barangay officials na sangkot sa pagtapyas ng cash aid na para dapat sa isang buntis na benepisaryo ng AICS sa Davao.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), sinamahan mismo ni Field Office-11 (Davao Region) Regional Director Atty. Vanessa Goc-Ong ang biktimang si Anne Villarin sa Office of the Ombudsman sa Davao City para masampahan na ng kaso ang kapitan at kagawad ng Brgy. Sinawilan.

Sa viral video ng biktima, inireklamo nito na tinapyasan ng ₱8,500 ang kanyang cash aid at natira lang sa kanya ay ₱1,500.

Nangako ang DSWD Field Office-11 na panatilihin ang bukas na komunikasyon kay Villarin habang dinidinig ang kaso at tutulong sa kanya habang papalapit siya sa huling yugto ng kanyang pagbubuntis.

Una na ring pinaalalahanan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang lahat ng benepisyaryo na ang kanilang natatanggap na cash grants ay para lamang sa kanila at hindi dapat makihati rito ang sinuman lalo na ang kawani ng gobyerno.

Hinikayat din nito ang sinumang nakaranas ng kaparehong insidente na i-report ito sa DSWD. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us