Nagpasya ang Bangko Sentral ng Pilipinas na panatilihin ang ang monetary policy setting sa 6.50%.
Ito ang inunsyo ni BSP Gov. Eli Remolona sa isang press conference matapos ang meeting ng Monetary Board.
Sa kanyang statement, nakikita ng Sentral Bank na nasa “downside” na ang inflation para ngayong taon hanggang 2025 dahil sa impact ng EO 62 o “lower import tariff on imported rice”.
Anya, ang risk adjusted inflation ngayon ay bumagal na sa 3.1% for 2024 and 2025 kumpara sa dating 3.8%.
Batay sa sa pinakahuling survey sa mga market forecaster, nanatiling naka-angkla ang inflation expectations.
Pagtitiyak ng BSP, ang policy setting ay naayon sa mandato nito na pangalagaan ang katatagan ng presyo at makatulong sa pagkamit ng economic growth. | ulat ni Melany V. Reyes