Ibinahagi ni Department of Finance (DOF) Sec. Ralph Recto ang pulong na ginawa nito kasama ang mga senior official ng kumpanyang Nomura sa Tokyo, Japan kung saan natalakay ang fundraising activities sa public-private partnerships (PPPs) sa bansa.
Dito rin isinulong ng DOF Chief ang “Build Better More” program ng bansa na kinabibilangan ng malalaking proyekto sa imprastruktura na bukas para sa mga PPP.
Binanggit din nito ang mga kamakailang reporma kung saan pinapadali nito ang pakikilahok ng pribadong sektor sa pamamagitan ng PPP Code.
Ipinahayag naman ng Nomura ang matinding interes sa pagsuporta nito sa mga proyekto ng imprastruktura ng Pilipinas, renewable energy ventures, at mga programang pangkalikasan.
Ipinakita rin ng kompanya ang kasabikan sa pagsuporta sa mga susunod na paglabas ng Samurai bonds, isang mahalagang bahagi ng international financing strategy ng Pilipinas.
Kasama sa pulong ni Sec. Recto ang ilang matataas na opisyal mula sa DOF at mga managing directors mula sa Nomura. | ulat ni EJ Lazaro