Nagpapatuloy pa rin ang mga pagyanig o volcanic earthquakes sa Mt. Kanlaon, ilang araw matapos ang pagputok nito.
Batay sa update ng PHIVOLCS, mayroong 14 volcanic earthquake o pagyanig ang naitala sa bulkan sa nakalipas na 24-oras.
Nasa 1,412 tonelada rin ng asupre o sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan habang patuloy rin ang malakas na pagsingaw sa bulkan na umaabot ng 2,000 metro ang taas.
Maging ang pamamaga ng bulkan ay nagpapatuloy rin.
Sa kasalukyan, nakataas pa rin sa Alert Level 2 ang bulkan kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometers radius ng bulkan o permanent danger zone. | ulat ni Merry Ann Bastasa