Pumutok ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island ngayong gabi, dahilan para itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang Alert Level 2 sa naturang bulkan.
Dakong alas-6:51 ng gabi nang maganap ang pagsabog na naglikha ng 5,000 metrong taas ng volcanic plume sa bunganga ng bulkan.
Ayon pa sa PHIVOLCS, tumagal ng anim na minuto ang pagsabog na sinundan pa ng malalakas na volcanic earthquake.
Naiulat din ang ilang insidente ng ashfall at pagsingaw ng asupre o sulfur dioxide sa mga kalapit na lugar.
Nagpaalala ang PHIVOLCS sa mga residente malapit sa bulkan na maging alerto, at iwasan ang itinalagang 4-kilometer-radius Permanent Danger Zone para maiwasan ang posibleng panganib ng biglaang pagputok ng bulkan, rockfall at pagguho ng lupa. | ulat ni Hazel Morada