Caloocan LGU, naglabas na ng Traffic Advisory para sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ilang kalsada patungong Monumento Circle sa Caloocan ang muling isasara sa mga motorista simula sa June 11 para bigyang daan ang mga aktibidad sa paggunita ng Araw ng Kalayaan.

Sa inilabas na abiso ng Caloocan City LGU, pinapaalalahanan ang mga motorista na kabilang sa isasarado simula 11:00 PM ng June 11, 2024 ang mga sumusunod na kalsada:

  • Rizal Avenue corner 10th Avenue (magkabilang bahagi)
  • Samson Road corner Lapu-lapu Street (magkabilang bahagi)
  • EDSA Southbound Lane (patungo sa Balintawak)

May mga itatalaga namang alternatibong ruta na maaaring madaanan ng mga maapektuhang motorista.

Ayon sa LGU, muli rin namang bubuksan ang mga isinaradong kalsada dakong 11:00 AM ng June 12, 2024. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us