Caloocan LGU, tuloy-tuloy ang paghahanda sa tag-ulan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa na ng declogging operations ang mga kawani ng Caloocan Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD) bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan at La Niña.

Kabilang sa nilinis ang mga baradong kanal at estero sa Doña Aurora Road, sa Barangay 178.

Ayon kay Mayor Along Malapitan, isa sa mga pangunahing sanhi ng pagbaha tuwing tag-ulan ay ang mga basurang nakabara sa mga daluyan ng tubig.

Kaugnay nito, patuloy namang nakikiusap ang LGU sa mga residente na maging responsable sa pagtatapon ng basura para maiwasan ang pagbara sa mga kanal, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

“Napakalaking bagay po para sa ating komunidad ang pagtatapon ng basura sa tamang lugar at ang paglilinis ng inyong bakuran.” | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us