Caloocan Mayor Along Malapitan, tiniyak ang suporta sa bagong hepe ng Caloocan Police Station

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang umupo si Police Col. Paul Jady Dadang Doles bilang bagong hepe ng Caloocan City Police Station (CCPS).

Pinangunahan ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang isinagawang turn-over ceremony mula sa outgoing na hepeng si Police Col. Ruben Lacuesta sa bagong liderato ng hanay ng Kapulisan sa lungsod.

Dito, pinasalamatan ni Mayor Along si PCol. Lacuesta sa pagiging matapat na ka-partner ng pamahalaang lungsod sa pagtitiyak ng kaligtasan ng mga residente at pagsugpo sa kriminalidad.

Kasunod nito, ipinahayag naman ng alkalde ang buong suporta sa bagong hepe ng Caloocan Police.

Umaasa aniya ito sa ipapamalas na husay at dedikasyon ng bagong lider ng CCPS.

Tiniyak rin ni Mayor Along na kaisa ng Caloocan Police ang LGU sa pagtitiyak na walang magiging puwang ang kahit anong krimen sa lungsod.

“Kasabay ng ating suporta sa kapulisan ay sisisguraduhin ko rin na hindi natin kukunsintihin ang anumang pang-aabuso mula sa kanilang hanay,” ani Mayor Along. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us