Ipinag-utos ni Canlaon City Mayor Jose Chubasco Cardenas ang agarang pagpapasara ng mga non- essential establishments sa lungsod na napapaloob sa 4KM radius ng Bulkang Kanlaon.
Ito’y kasunod ng phreatic eruption ng Bulkang Kanlaon kagabi, June 3.
Nakasaad rin sa Executive Order no. 34 ni Mayor Cardenas na ang mga non-essential establishments na nasa city proper ay kailangan ring magsara simula mamayang alas-8:00 ng gabi.
Mananatili namang bukas ang mga pagamutan, pharmacies, emergency response agencies, utility providers, at iba pang critical infrastructures ngunit kinakailangang nakalatag na ang mga safety measures.
Mananatiling epektibo ang nasabing esecutive order hanggang makapagpalabas ng panibagong EO ang alkalde kaugnay sa pagbawi nito.
Patuloy naman ang paalala ng lokal na pamahalaan sa mga nakatira malapit sa paanan ng bulkan na sumunod sa mga evacuation orders. | ulat ni Angelie Tajapal | RP1 Cebu