Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Canlaon sa lalawigan ng Negros Oriental sa lahat na maging mahinahon matapos mangyari ang pagputok ng Mt. Kanlaon ngayong gabi.
Nanawagan din si Canlaon City Mayor Jose Chubasco Cardenas na kumuha lamang ng mga maaasahang impormasyon mula sa opisyal nilang channels na gaya ng Salta Canlaon Facebook page ng lokal na pamahalaan at iwasan ang pagpapakalat ng fake news.
Bukod dito, dahil sa inaasahang ashfall na epekto ng pagputok ng bulkan, ipinapahanda din sa mga residente ang pagsuot ng face masks at maghangda sa kanilang mga emergency kits.
Inabisuhan din ang lahat na manatili sa loob ng kanilang mga pamamahay at sumunod sa evacuation orders kung mayroon mang paglikas.
Pasado alas-6:00 ngayong gabi ng kinumpirma ng Phivolcs ang pagputok ng bulkang Kanlaon. | ulat ni Carmel Matus-Pedroza | RP1 Cebu