Hinimok ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) ang Pilipinas at China na magkaroon ng genuine diplomatic dialogue upang matugunan ang patuloy na tensyon sa West Philippine Sea.
Naniniwala si CenPEG Director for Policy Studies Bobby Tuazon na makatutulong ito para humupa ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang bansa.
Aniya, mula noong 1949, mapayapang nalutas ng Beijing ang 14 sa 18 border disputes sa pamamagitan ng bilateral dialogues at negosasyon.
Dapat ding panindigan ng bansa ang isang tunay na independent foreign policy na ipinag-uutos ng Konstitusyon ng Pilipinas.
Mas mabuting iwasan din ng bansa ang pakikipaghanay ng militar sa foreign powers at sa halip ay tumuon sa alyansa nito sa ASEAN, na nagtataguyod ng regional consensus, harmony, at kapayapaan.
Apela pa ni Tuazon sa mga lider ng Pilipinas na huwag hayaang gamitin ng U.S. ang bansa laban sa China.
Isa umanong nakababahalang katotohanan na sa 800 base militar sa iba’t ibang bansa sa buong mundo, 300 ang nakaposisyon sa paligid ng China. | ulat ni Rey Ferrer