Chacha, di bahagi sa mga napag-usapan nila ng House leaders ngayong araw – SP Chiz Escudero

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinahagi ni Senate President Chiz Escudero ang ilan sa mga napag-usapan nila ng mga lider ng Kamara sa naging pagpupulong nila kaninang umaga.

Ayon kay Escudero, napag-usapan ang priority bills ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) lalo’t magkakaroon sila ng LEDAC meeting sa June 25.

Natalakay rin aniya ang magiging procedure nila sa LEDAC.

Sinabi rin ni Escudero, na hindi kasama sa mga natalakay ang chacha…

Paliwanag ng senate leader, mas nais nilang pagtuunan ng pansin ang mga panukalang batas na mataas ang tiyansa na makapasa sa parehong kapulungan ng Kongreso, at maging isang ganap na batas.

Ibig sabihin, titiyakin aniya nilang ang mga mapagkakasunduang panukalang batas sa LEDAC ay hindi mave-veto o maibabalik sa bicameral conference committee.

Kaugnay nito, sinabi ng senate leader na dapat ring maging mas mahusay ang koordinasyon ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) sa Kongreso gayundin ang koordinasyon sa pagitan ng mga departamento ng gobyerno. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us