Chief Justice Alexander Gesmundo, nanguna sa flag raising ceremony sa San Juan City Hall

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ganap na alas-8 ng umaga nang magsimula ang programa sa San Juan City, kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan.

Pinangunahan ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang aktibidad kasama si San Juan City Mayor Francis Zamora at Eastern Police District Director, Police Brig. Gen. Wilson Asueta.

Binigyan muna ng Arrival Honors ang Punong Mahistrado bago magtungo sa pagtataas ng watawat ng Pilipinas kasabay ng pag-awit ng Lupang Hinirang.

Matapos nito, ay naglakad na patungong Pinaglabanan Shrine ang mga nabanggit na opisyal kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod para sa pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng Pinaglabanan.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us