“Walang kasaysayan kung walang Pinaglabanan”.
Ito ang binitawang salita ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo bilang kaniyang mensahe ngayong ika-126 na Araw ng Kalayaan.
Ayon sa Punong Mahistrado, hindi lang proklamasyon ng kalayaan sa Kawit, Cavite ang dapat kilalanin kundi pati ang mga pagkilos sa iba pang lugar tulad na lang ng nangyari sa Pinaglabanan.
Binigyang diin ni Gesmundo na sa kabila ng kabiguan ng katipunan ay nagpa-alab naman ito sa damdamin ng mga Pilipino kaya kumalat ang himagsikan.
Kung malaya na aniya ang Pilipinas, ang mga Pilipino ang nagpalaya sa mga mahihirap at iba pa.
Hinihikayat din ni Gesmundo ang lahat na magtulungan sa pagtahak ng reporma sa hudikatura na mas madaling maiabot sa mga tao.
Aminado siyang maraming hamon at parang imposible tulad ng kahirapan, ‘di pagkakapantay-pantay, climate change at hidwaan sa mga bansa sa mundo at maraming krisis ang nakaabang subalit kung magtutulungan ay tiyak malalampasan ito. | ulat ni Jaymark Dagala