Ipinagbabawal na sa mga pulis ang pag sideline bilang bodyguard ng mga pribadong indibidwal.
Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, kailangang parating handa ang mga pulis sa agarang pagtugon sa pangangailangan ng publiko.
Kasabay nito, papaigtingin pa ng pulisya ang kampanya laban sa cybercrimes at ang paglalaan ng maraming resources upang labanan ang tumataas na banta ng cyber-related offenses.
Batay sa ulat, tumaas ang cybercrime cases ng 21.84% sa unang quarter ng 2024, nangunguna dito ang online selling scams, credit card fraud, at investment scams.
Nitong nakalipas na linggo, nalansag at nakakumpiska ang PNP ng illegal firearms, illegal drugs, at private armed groups bago ang 2025 national at local elections.
Pagtiyak pa ng Chief PNP na dadamihan pa ng pambansang pulisya ang paglalatag ng checkpoints at patrols habang nakatutok ang “cyber cops” sa internet crimes.| ulat ni Rey Ferrer