CHR, iba’t ibang grupo, nagkaisa sa kampanyang ‘Basta Run Against Torture’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maagang nagtipon-tipon ang mga kinatawan mula sa Commission on Human Rights (CHR), kasama ang Association for the Prevention of Torture (APT), Task Force Detainees of the Philippines (TFDP), at ang United Against Torture Coalition (UATC) – Philippines para sa pag-arangkada ngayong araw ng Basta Run Against Torture (BRAT) XIV.

Ito ay kasabay ng paggunita sa UN International Day in Support of Victims of Torture tuwing June 26.

Alas-7:30 ng umaga, sinimulan ng grupo ang sabay-sabay na pagtakbo sa Quezon City Hall Risen Garden hanggang sa Liwasang Pepe Diokno sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) sa Commonwealth Avenue kung saan mayroong inihandang solidarity program.

Sa taong ito, nakasentro ang BRAT XIV sa higit pang pagpapaigting ng kooperasyon sa mga stakeholder, kabilang ang Department of Justice (DOJ), Department of the Interior and Local Government (DILG), at mga lokal na pamahalaan, upang itaguyod ang kamalayan ng publiko sa Anti-Torture Law at ipatupad ang mga epektibong mekanismo ng pagmamanman.

Layon din nitong tugunan ang mga panganib sa kalusugan sa masisikip na bilangguan at bumuo ng isang Safe In Custody Manifesto, na nagpapatibay sa kolektibong pangako na tiyakin ang kaligtasan at kagalingan ng lahat ng indibidwal na nasa kustodiya. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us