Mahigit 11,500 volunteers ang nakiisa sa Nationwide Simultaneous Coastal Clean-up na pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources kahapon.
Ang aktibidad ay bahagi ng selebrasyon ng World Oceans Day and Coral Triangle Day.
Kasama ng DENR sa clean-up operations ang mga Regional and Field Office,Private Sectors, National and local government units at komunidad.
Sa bahagi ng Luzon,mahigit 4,000 volunteers mula sa Cordillera Administrative Region, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Bicol Regions ang lumahok sa clean-up operations.
Sa Visayas Cluster, halos 3,000 volunteers mula sa Western, Central, at Eastern Visayas Regions ang nakiisa din sa malawakang coastal clean-up sa Argao, Cebu; Tagbilaran City, Bohol; Borongan City, Eastern Samar; at San Juan, Southern Leyte at iba pa.
Malaking bilang din ng mga volunteers mula sa Mindanao ang kasama sa aktibidad na abot sa halos 4,500 volunteers mula sa Regions 9, 10, 11, 12, at 13.
Ang kampanyang ito sa buong bansa ng DENR at mga partners ay pagpapakita ng sama-samang dedikasyon sa pangangalaga sa kapaligiran. | ulat ni Rey Ferrer