Muling umapela ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga Pilipino sa ibayong dagat na magparehistro at lumahok sa midterm elections na gaganapin sa 2025.
Sa isang pagsasanay tungkol sa online voting at counting system (OCVS) sa Busan, South Korea, binigyang-diin ng COMELEC ang kaginhawaan ng internet voting na hindi na nagangailangan ng personal na pagpunta sa mga post o pagpapadala ng balota.
Sa kaparehong kaganapan din ay sinagot ng mga tauhan ng COMELEC ang mga katanungan ng ating mga kababayan patungkol sa pagpaparehistro at pagboto
Mayroon hanggang Setyembre 30 para makapagparehistro at makapag-sign up ang mga unregistered overseas voters.
Sa ngayon, mayroong 1.2 milyong Pilipino sa ibayong dagat ang nakarehitro na pero may nasa 600,000 pa ang deactivated voters.
Nilalayon ng COMELEC na makamit ang 70-80% na turnout ng mga botante sa mga pinoy aborad para sa Halalan 2025 kung saan pipili ang mga boboto ng ating mga susunod na senador at kinatawan na party-list gamit ang bagong OVCS platform. | ulat ni EJ Lazaro