Kasalukuyang nasa South Korea ngayon ang mga opisyal ng Commission on Elections (COMELEC) at election watchdog na National Movement for Free Elections (NAMFREL).
Ito ay para suriin ang mga makina na gagamitin sa 2025 Midterm Elections.
Partikular na tinungo ng grupo ang pasilidad ng Miru System Company Limited na siyang gumagawa ng mga makina.
Sa inisyal na pagsusuri, ipinakita sa kanila ang mga gumaganang election machine na nasa temperatura ng 45°Celsius, na halos pantay ng temperatura tuwing Mayo sa Pilipinas.
Nasaksihan din nila ang magiging repair ng mga makina sakaling magkaroon ng hindi inaasahang aberya sa araw ng halalan.
Ang Miru System Company Limited ang siyang nakakuha ng kontrata para sa pagsusuplay ng 110,000 na mga election machine.
Mayroon hanggang December 2024 ang naturang kumpanya na mai-deliver ang mga ito sa Pilipinas. | ulat ni Mike Rogas