Nagsagawa ngayon ang Commission on Elections (COMELEC) ng demonstration sa automated counting machine demo sa UP Diliman.
Pinangunahan ito ni COMELEC spokesman John Rex Laudiangco kung saan ipinakita sa iba’t ibang mga grupo at organisasyon ang integridad ng mga technical resources na gagamitin sa 2025 elections.
Kabilang sa mga nakilahok sa demonstration ay ang grupong Kontra Daya, Bayan Muna, academe, mga estudyante at iba pang mga grupo.
Ayon kay Director Laudiangco, bahagi ito ng hakbang ng COMELEC para ipakita sa publiko ang kahandaan ng COMELEC at sa mga gagamiting ACM.
Bukod sa regular na proseso mula sa pagboto hanggang sa pagtanggap ng ACM sa balota ipinakita rin ang pagbibilang ng boto sa loob ng isang precinct center. | ulat ni Merry Ann Bastasa