Commanding ship ng US 7th Fleet na USS Blue Ridge, nasa Pilipinas para magsagawa ng port call

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa Pilipinas ngayon ang commanding ship ng United States Navy 7th fleet na USS Blue Ridge para magsagawa ng port call.

Ito’y sa gitna na rin ng ipinatupad na Anti-Tresspasing rule o ang bantang pag-aresto sa mga dayuhang barko sa inaangking karagatan ng China kabilang na ang Continental Shelf ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ang USS Blue Ridge o ang LCC-19 ay ang bukod tanging amphibous command and control ship na may advanced communication and information systems para sa epektibong pangangasiwa sa Naval operations.

Kahapon, bumisita sa punong tanggapan ng Philippine Navy ang Commander ng 7th Fleet (C7F) na si VAdm. Fred Kacher.

Malugod siyang tinanggap ni Philippine Navy Vice Commander RAd. Cesar Bernard Valencia bilng kinatawan naman ni Navy Flag Officer-in-Command VAdm. Toribio Adaci Jr.

Doon, muling pinagtibay ang nagpapatuloy ang magandang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos sa gitna na rin ng mga kinahaharap na hamon ng bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us