Sinisiguro ni DOJ Assistant Secretary at Spokesperson Mico Clavano na mabigyan ng seguridad at due process si dating Negros Oriental Congressman Arnulfo Teves, Jr.
Ito’y kapag naibalik na sa bansa ang dating kongresista matapos paboran ng Timor Leste ang extradition request ng Justice Department.
Sinabi ni Asec. Clavano, ikinokonsidera nilang maging kulungan ni Teves bago ito iharap sa korte ay ang custodial facility ng Philippine National Police o ng National Bureau of Investigation.
Gayunman nasa korte pa rin ang desiyon kung saan ito ikukulong habang dinidinig ang kanyang kaso.
Paglilinaw ni Clavano na hindi pa guilty si Teves pero malakas umano ang ebidensya na magdidiin sa kanya sa iba’t ibang kaso.| ulat ni Rey Ferrer