Bukas rin si Cavite 2nd District Representative Lani Mercado-Revilla sa imbestigasyon ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) sa mga POGO sa lalawigan ng Cavite.
Ayon kay Congresswoman Lani, kailangang masusing imbestigahan ang mga iligal na POGO, hindi lang sa Cavite, kundi maging sa iba pang mga lugar sa bansa.
Giit ng kongresista, dapat ang kapakanan ng mga pilipino ang laging mauna.
Nang matanong naman kung dapat na bang tuluyang ipagbawal ang mga POGO sa bansa, sinabi ng mambabatas na kailangan pa itong timbangin ng husto dahil may pros at cons rin naman ang mga POGO at hindi naman lahat ay iligal.
Nais rin munang marinig ng kongresista ang panig ng PAGCOR at ng mga kasalukuyang POGO establishment hinggil sa usapin.
Inaasahan ni Congresswoman Lani na sa pagbabalik sesyon ng Kongreso ay magkakasa ng inquiry ang Kamara tungkol dito.| ulat ni Nimfa Asuncion