CSC, nagbabala sa publiko laban sa mga nagpapanggap na empleyado para makapangloko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling pinag-iingat ng Civil Service Commission (CSC) ang publiko laban sa ilang mga indibidwal na nagpapanggap na kawani ng komisyon para makapambiktima.

Naglabas ng pahayag ang CSC kasunod ng mga natanggap nitong reports na may mga nagpapanggap na kawani ng komisyon para makahingi ng impormasyon, pera, o pabor mula sa mga ahensya ng pamahalaan at sa publiko.

Dahil dito, pinayuhan ni CSC Chairperson Karlo Nograles ang publiko na magdoble ingat sa mga natatanggap na text messages, emails, o tawag mula sa mga nagpapanggap na kanilang kawani.

Punto pa nito, mainam na direktang makipagugnayan sa mga CSC Regional o Field Office kung mayroong concern.

Una nang nilinaw ng CSC na walang indibidwal o grupo ang binibigyan nito ng pahintulot na gamitin ang pangalan at logo ng CSC sa anumang aktibidad o online promotion.

“We would also like to warn individuals that usurpation of authority or falsely representing to be an officer, agent or representative of any department or agency of the Philippine Government is a violation under Article 177 of the Revised Penal Code. The CSC is ready to take action against violators found guilty of this crime as their action undermines the integrity of the agency,” babala ni Chairperson Nograles. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us