Magtutulungan ang Department of Agriculture (DA) at Food and Drug Administration (FDA) para masawata ang agricultural smuggling sa bansa.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nakipagkasundo na siya kay FDA Director General Samuel Zacate para lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) na layong palakasin ang border control measures at sugpuin ang mga mapagsamantalang importer at smuggler.
Ang hakbang na ito ay tugon sa lumalalang problema ng agricultural smuggling na nakakaapekto sa mga lokal na magsasaka at mangingisda, gayundin sa mga mamimili.
Sa ilalim ng MOU, magtutulungan ang DA at FDA sa pagpapatupad ng mas mahigpit na inspeksyon at monitoring sa mga produktong inaangkat, lalo na sa mga produktong pang-agrikultura na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan at ekonomiya.
Bukod dito, iimbestigahan din ng DA ang apat na negosyante na umano’y sangkot sa smuggling ng bigas, isda, at asukal.
Nagpatupad na rin ang DA ng mas mahigpit na proseso sa deklarasyon ng sanitary at phytosanitary import clearance (SPSIC) bago ang pagdiskarga ng mga produkto sa mga pantalan. | ulat ni Diane Lear