DA, bumuo ng fact-finding committee para imbestigahan ang pagpasok sa bansa ng mga kambing na nagpositibo sa Q-fever

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumuo na ng fact-finding committee ang Department of Agriculture (DA) para sa mas malalimang imbestigasyon kaugnay sa inangkat na mga kambing mula sa US na nagpositibo sa Q-Fever.

Ang Q-Fever ay isang zoonotic disease na mula sa bacteria na Coxiella Burnetti na nakakahawa sa tao at ibang hayop.

Sa pulong balitaan kaninang hapon sa Quezon City, sinabi ni Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, na ipinag-utos na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang pagbuo sa 3-man fact-finding committee upang imbestigahan ang lahat ng mga pangyayari.

Ayon kay Asec. De Mesa, kabilang sa iimbestigahan ay kung paano nakarating ‘yung sakit sa bansa at kung may nakitang mga paglabag sa mga protocol at guidelines ng DA-Bureau of Animal Industry, at iba pang mga regulatory agency.

Posible rin aniyang suspindihin ang ilang opisyal ng pamahalaan na mapatutunayang nagkaroon ng kapabayaan sa pagpasok ng kauna-unahang kaso ng Q-Fever.

Matatandaang nasa 19 na samples ang nagpositibo sa Q-Fever mula sa inangkat na mga kambing ng gobyerno na galing sa US at dinala sa Marinduque at Pampanga. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us