Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban sa pag-angkat ng domestic and wild birds at mga produkto nito mula sa Ohio, USA.
Kabilang sa mga produkto nito ang poultry meat, day old chicks, mga itlog at semilya.
Ipinatupad ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang temporary import ban noong kalagitnaan ng Enero ngayong taon matapos makumpirma ang outbreak ng High Pathogenicity Avian Influenza (HPAI)sa nasabing bansa.
Nagdesisyon ang kalihim na alisin ang ban base sa official report na isinumite ng USDA Animal and Plant Health Inspection Service sa World Organization for Animal Health (WOAH).
Nakapaloob sa report na naresolba na ang avian flu cases sa lahat ng lugar sa Ohio at wala nang naiulat na outbreak pagkatapos ng Abril 2. | ulat ni Rey Ferrer